Albert Martinez nagbigay na ng kanyang pahayag tungkol sa pagkaka-link niya kay Faith Da Silva

Albert Martinez nagbigay na ng kanyang pahayag tungkol sa pagkaka-link niya kay Faith Da Silva

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Albert martinez tungkol sa balitang relasyon umano nila ni Faith Da Silva.

Hindi itinanggi ngunit hindi din kinumpirma ng beteranong aktor na si Albert ang balitang may “something” na sila ni Faith.

Matatandaan na July this year, sa kalagitnaan ng lock-in taping ng Las Hermanas ng GMA-7 sa Pampanga. Nang magsimulang ma-blind item ang umano’y pagkakamabutihan ng dalawa.

May mga naglabasan pang cozy videos nila sa TikTok at that time. Kalaunan ay pinangalanan na at direkta nang nali-link ang dalawa.

At sa virtual presscon ng teleserye nilang “Las Hermanas” last Friday ay naitanong ng press people ito kay Albert.

“Ive been in this industry since 1981,” nakangiting salubong naman ng aktor sa tanong. “I’ve been there, done that. I’m not affected at all. It’s show business, it’s entertainment…that’s part of the entertainment. So, it doesn’t bother me.”

Si Albert na din mismo ang nagbanggit ng pangalan ni Faith. “’Yung sinasabi nila about Faith, I believe it worked for both of us because the chemistry was there.

“And siguro, I will feel bad if hindi nag-work ’yung chemistry because it’s my intention, to make sure na maging believable siya sa eyes ng public. Maging believable siya sa du’n sa narrative. And it worked.”

“And ’yung sideline na pinag-uusapan nila, it’s just part of the whole thing. It’s okay. It helped the project and I believe it’s not that bad at all.”

Six years nang biyudo ang aktor ngunit until now ay wala pa rin siyang ibang nakakarelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *